Kultura ng Pantabangan, bumida sa 7th Pandawan Festival Street Dance Competition

Bumida ang kultura ng Pantabangan sa ginanap na 7th Pandawan Festival Street dance Competition sa Pantabangan East centaral School Quadrangle nitong nakaraang sabado April 28.           

Pangingisda ang pangunahing pangkabuhayan sa bayan ng Pantabangan. At tuwing sasapit ang buwan ng abril ay mas nagiging malaki ang produksyon ng isda sa kanilang lugar.

Kaya’t sa pamamagitan ng pagdiriwang ng 7th Pandawan Festival, naipapakita ng bawat mamamayan ng pantabangan ang kanilang pasasalamat sa masaganang buhay na ipinagkaloob sa kanila.

Nitong nakaraang sabado, A28, sa kabila ng matinding sikat ng araw ay walang kapagurang ipinamalas ng labing apat na barangay ang kanilang talento sa pagsasayaw.

Ito ay sa ginanap na Street Dance Competition kung saan sa pamamagitan ng Props, Costume at Choreography ay naipakita  ang buhay at kultura ng Pantabangan.

Ngunit sa lahat ng mga kalahok, pinaka-nangibabaw ang husay at galing ng Brgy, Malbang. Upang sila ang tanghalin na kampeon sa naturang kompetisyon.

Isa lamang sa brgy malbang sa labing apat na kalahok na kinabibilangan ng Barangay Sampaloc, Barangay Conversion, Barangay Napon-napon, Barangay Villarica, Barangay West Poblacion at iba pa.

Samantala, 2nd Place naman ang Barangay West Poblacion na nakatanggap ng P100,000, 3rd Place ang Barangay Liberty na nakatanggap din ng P75,000 at ang itinanghal na Champion ay nakapag uwi ng tumataginting na P150,000. –Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *