Kwalipikadong sibilyan, hinikayat na magparehistro sa Annual Entrance Examination ng Philippine National Police Academy

Hinihikayat ng mga kadete na magparehistro ang mga kwalipikadong sibilyan sa annual entrance examination ng philippine national police academy na gaganapin sa november 10, 2019.

Binuksan na  na noong July 1 ang  rehistrasyon para sa mga nagnanais maging kadete ng Philippine National Police  Academy o PNPA  para sa taong 2019 na magtatapos sa  September 30.   Sa panayam kay Cadet First Class Johnsen Unay Ito ang mga kwalipikasyon upang maging isang kadete ng PNPA:

  • Natural born Filipino Citizen
  • Of good moral character
  • Single and no parental obligations
  • 18- 22 yrs old
  • 5’4 – 5’2
  • With no pending  complaint or  cases in court
  • Not a former Cadet of PNPA and other government  or other service academies
  • Never been dismissed from any private employment or government position for a cause

Mga kadete na makakapagtapos sa PNPA maaring pumasok sa PNP, BJMP at  BFP

Sa panayam kay Cadet first Class Unay hindi madali ang training dahil hinuhubog ang bawat kadete upang maging karapat dapat sa tatlong sangay ng na maaari nilang pasukan kapag sila ay nakatapos ng kanilang  training .  Ang Philippine National Police , Bureau of Fire at  Bureau of Jail Management and Penology ay ang tri-bureau na pagpipilian ng isang kadete kapag sya ay nakapag tapos ng training sa PNPA. Kailangan din aniya na mag handa ang isang aplikante para sa iba’t ibang test na gagawin bago maging isang kadete ng PNPA.

Aplikante ng PNPA, maaari ng mag fill-up online

Sa panayam kay Cadete first Class Dan Nilo Capili ipinaalam nito na maaari ng mag fill up ang isang aplikante online.

Ibinahagi ni Cadet First Class John Robert dela Cruz na  hindi lamang makatulong sa bayan kundi pati na rin sa pamilya yan naman ang nag tulak sa kanya upang pumasok sa PNPA.

ang mga sumusunod ay ang benepisyo na matatangap ng isang kadete:

  • Full government Scholarship grants sa loob ng 4 na taon ng cadetship program.
  • With pay at allowance habang nag aaral at training.
  • Igagawad ang antas na Bachelor of Science in Public Safety (BSPS).
  • I-aatang ang rango na fire/ jail o police inspector pagkatapos maka-graduate.
  • Sigurado ang employment pagkatapos na maka-graduate sa tri-bureau service o Bureau of Fire protection, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police(PNP)

-Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *