KYLA DENISE MABABA, MAGIGING KINATAWAN NG NUEVA ECIJA SA MISS SILKA PHILIPPINES 2015

Kyla Denise Mababa, itinanghal bilang Miss Silka Nueva Ecija 2015; magiging kintawan ng lalawigan sa Miss Silka Philippines 2015
Kyla Denise Mababa, itinanghal bilang Miss Silka Nueva Ecija 2015; magiging kintawan ng lalawigan sa Miss Silka Philippines 2015

     Lumutang ang kagandahan at kasimplehan ng 16 na taong gulang na si Kyla Denise Mababa sa 14 na kandidatang nagpatalbugan sa Miss Silka Nueva Ecija 2015 na ginanap sa NE Pacific Mall Atrium noong October 17, 2015

     Si Kyla ang magiging kinatawan ng lalawigan ng Nueva Ecija para sa nalalapit na paghaharap sa enteblado ng mga nagwagi mula sa ibat ibang lugar sa Pilipinas.

     Kabilang na sa mga makakaharap ng Grade 10 student na si Kyla ang mga lugar mula sa Bacolod, Baguio, Batangas, Bulacan, Cagayan de Oro, Cavite, Cebu, Davao, Dumaguete, Ilo-Ilo, Laguna, Metro Manila, Plawan, Pampanga at Zambales.

     Gaganapin sa Market Market, Activity Center, Taguig City sa darating na ika 21 ng Nobyembre ang nasabing patimpalak.

     Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ng pambato ng Nueva Ecija sa kanyang gagawing Talent at pagrampa sa darating na kompetisyon.

     Kasama ni Kyla sa mga nagwagi sa Miss Silka Nueva Ecija 2015 ay sina Marijoy Villaflor 1st runner up, Thaddy Mae Santos 2nd runner up, at Almira Mangila 3rd runner up. – Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *