Kyoto, Sydney at New York fireworks display, tampok sa SM City Cabanatuan

  Itinampok ng SM City Cabanatuan ang Kyoto, Sydney at New York fireworks display, para sa taunang pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine’s day.

  Nagliwanag ang buong kalangitan ng mag-umpisa ang fireworks display sa SM City Cabanatuan, mapa bata man o matanda ay napapahiyaw sa tuwing magniningning ang iba’t ibang kulay ng pailaw.

  Sa mensahe ni Joan Bondoc Assistant Mall Manager ng SM City Cabanatuan, bukod sa pakiki-isa sa pagdiriwang ng Valentine’s day, isa rin aniya itong paraan upang  pasalamatan ang lahat ng mga taong tumatangkilik sa SM City Cabanatuan.

  Dagdag pa nito, ang fireworks display na ito ay hindi lamang para mapasaya ang mga Novo Ecijano, kundi para maging karagdagang atraksyon din sa mga lumilibot sa SM City.

  Isa si John Louis Bartolome sa mga nakapanood ng Fireworks display ng Kyoto, Sydney at New York sa Parking lot ng SM City Cabanatuan noong Sabado, February 9,2019.

  Aniya, first time niyang nasaksihan ang ganitong palabas na talaga namang nakakamangha dahil nakasabay sa musika ang bawat Fireworks o pailaw.

  Enjoy na enjoy din sa panunuod si Glenda Perida kasama ang kaniyang pamilya, kung dati ay sa Maynila pa sila dumadayo upang makapanood ng ganitong mga pailaw ngayon ay hindi na sila lalayo dahil mayroon na din dito sa ating lalawigan.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *