Labing limang eskwelahan, dumalo sa Seminar-Workshop on Struggles of Philippine Media ng NUJP-Nueva Ecija

   Dumalo ang mga Student Leaders at Student Journalists mula sa iba’t ibang High School and Colleges sa Lalawigan ng Nueva Ecija sa Seminar-Workshop on “Sino ang Bayani”: Struggles of Philippine Media, na ginanap sa Auditorium, Old Capitol Building, Cabanatuan City.

NUJP-Nueva Ecija Chapter Cahirman Sonia Capio, NUJP-Nueva Ecija Chapter Secretary Gie Herrera at ang Manunulat at Direktor na si Bonifacio Ilagan, kasama ang mga Student Journalists na nakiisa sa Seminar-Workshop on “Sino ang Bayani”: Struggles of Philippine Media.
NUJP-Nueva Ecija Chapter Cahirman Sonia Capio, NUJP-Nueva Ecija Chapter Secretary Gie Herrera at ang Manunulat at Direktor na si Bonifacio Ilagan, kasama ang mga Student Journalists na nakiisa sa Seminar-Workshop on “Sino ang Bayani”: Struggles of Philippine Media.

   Ang naturang Seminar-Workshop na may temang “Empower the  Campus Media and Student Leaders for Gender Equality, Strengthen the Voice of the People” ay naisakatuparan sa inisyatibo ng National Union of Journalists of the Philippines-Nueva Ecija Chapter bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-120th Anniversary ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

   Tinalakay ang naging papel ng mga mamamahayag noong panahon ng Philippine Revolution kung saan sa pamamagitan ng panulat ay naihayag ang kalupitan ng mga mananakop na Kastila, na humikayat sa mga Pilipino na lumahok sa kilusan o armadong pakikibaka, na nagtagumpay ng makamit natin ang ating kalayaan.

   Nagsilbing Panauhing Pandangal ang manunulat at direktor na si Bonifacio Ilagan, kung saan ibinahagi nito ang kanyang mga hindi malilimutang mga naging karanasan at pakikibaka para sa malayang pamamahayag noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno noon ni President Ferdinand Marcos.

Si Ginoong Bonifacio Ilagan, habang ibinabahagi ang kanyang mga naging karanasan noong panahon ng Martial Law
Si Ginoong Bonifacio Ilagan, habang ibinabahagi ang kanyang mga naging karanasan noong panahon ng Martial Law

   Noong panahon ng Martial Law ay kontrolado ng gobyerno ang mga telebisyon, radyo at dyaryo, kaya marami sa mga Pilipino na katulad ni Ilagan ang naghanap ng ibang paraan upang maipahayag ang mga impormasyong nararapat malaman ng sambayan na pilit ikinubli ng diktador na pamamahala.

   Matapos ang talakayan ay binigyan ng pagkakataon ang mga Campus Journalists na makapagtanong kay Ilagan, na karamihan ay pawang may kinalaman sa kanyang pakikibaka noong panahon ng Martial Law.

   Komento ni Ilagan sa naganap na Open Forum na tila uhaw ang mga kabataan sa pakikipagdayalogo dahil sa dami ng mga katanungang ibinato sa kanya, na sinikap naman nitong bigyan ng mga kasagutan.

   Tumatak naman sa isipan ni Roma Mae Herrera ang testimonya ng karanasan ni Ilagan at ng ilang kasamahan nito na hindi naging hadlang upang maipahayag ang mga sariling damdamin noong panahon ng Martial Law.

   Naging inspirasyon din ni Emil James Ladores ang mga ibinahaging pangyayari sa buhay ni Ilagan upang mas maging matapang sa pagsisiwalat ng katotohanan upang mabigyan ng kaalaman ang sambayanan. –Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *