Lalaki patay sa pambubugbog ng mga nakainuman; Kelot, nanonood ng sugal, pinagbabaril

   Natagpuang isa ng malamig na bangkay at palutang-lutang sa irigasyon ang isang lalaki, tatlong araw matapos itong bugbugin ng kanyang dalawang nakainuman sa barangay Sta. Isabel, Cabiao.

   Positibong kinilala ng kanyang kaanak ang biktimang si Leonardo Galang y de Jesus, 32-anyos, at residente ng San Fernando Sur ng naturang bayan.

Ang bangkay ni Leonardo Galang matapos iahon sa irigasyon sa brgy. Sta. Isabel, Cabiao.
Ang bangkay ni Leonardo Galang matapos iahon sa irigasyon sa brgy. Sta. Isabel, Cabiao.

   Habang ang mga suspek ay kinilalang sina Manuel Torres alyas Manny at alyas Ronald na kapwa tagapag-alaga ng mga bibe.

   Base sa imbestigasyon ng Cabiao Police Station, huling nakita ang biktima kasama ng dalawang suspek, nina alyas Ganggang, Rolando Barbero, residente ng nasabing lugar, at Dario Batac, residente ng barangay Sta. Rita, Cabiao.

   Habang nag-iinuman ang lima ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at Ronald na nauwi sa suntukan. Sinubukan umanong awatin ni Manny ang dalawa ngunit hindi naglaon ay pinagtulungan na ng mga ito si Galang hanggang sa mapatay at iniwan sa irigasyon.

   Cabanatuan City- pinagbabaril ng tatlong armadong kalalakihan ang isang lalaki habang nanonood ng mga nagsusugal sa Purok 4 ng barangay Kalikid Norte.

   Sinugod at pinagbabaril ng 3 armadong kalalakihan si Reynaldo Pedrones habang nanonood ng nagpupusoy sa Kalikid Norte, Cabanatuan City.
Sinugod at pinagbabaril ng 3 armadong kalalakihan si Reynaldo Pedrones habang nanonood ng nagpupusoy sa Kalikid Norte, Cabanatuan City.

   Kinilala ang biktimang si Reynaldo Pedrones y dela Cruz, 40, may asawa, at residente ng Purok 3 ng naturang barangay.

   Ayon sa report ng Cabanatuan Police Station, 2:45 ng hapon nanonood ng mga naglalaro ng pusoy si Pedrones sa loob ng bakuran ng bahay ni Abstinencio Ragamat y Navarro nang biglang lumusob ang mga suspek at pinaputukan ng paulit-ulit ang biktima kaagad na namatay.

   Matapos ang pamamaril tumakas ang tatlo sakay ng isang kotseng walang plate number patungo sa silangang direksyon.

   Napag-alaman na si Reynaldo ay kabilang sa listahan ng mga drug personalities ng himpilan ng pulisya ng Cabanatuan.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *