Lalaki pinaslang habang nagbi-videoke; Tindero ng ice cream pinagbabaril, patay

Hindi nagawang kumanta sa videoke ni Benedict Puyat nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa AGL Heights, Cabanatuan City.
Hindi nagawang kumanta sa videoke ni Benedict Puyat nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa AGL Heights, Cabanatuan City.

   Pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek ang isang lalaki habang nagbi-videoke sa bakuran ng isang bahay sa AGL Heights, barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City.

   Kinilala ang may-ari ng tahanan na si Ryan Garcia y Santiago, habang ang biktima na namatay on the spot dahil sa maraming tama ng bala ay si Benedict Puyat y Padrid alyas “Bumay” at “Joko”, 32-anyos, naninirahan sa Block 37, Lot 4 ng naturang subdivision.

   Base sa report ng Cabanatuan Police Station, 5:30 ng hapon, kakanta na sana si Puyat nang paputukan ng paulit-ulit ng suspek gamit ang isang maikling baril.

   Tumakas ang salarin  na umangkas sa isang motorsiklo na minaneho ng kasabwat nito na naghintay malapit sa pinangyarihan ng krimen.

   Napag-alaman na ang biktima ay sangkot umano sa mga illegal na aktibidad at kabilang drug watch list ng barangay.

   Bongabon- patay ang isang tindero ng ice cream matapos ratratin nang nakaalitang kabarangay sa San Roque.

Sa eskinitang ito sa San Roque, Bongabon niratrat ang isang tindero ng ice cream.
Sa eskinitang ito sa San Roque, Bongabon niratrat ang isang tindero ng ice cream.

   Idineklarang dead on arrival sa Bongabon District Hospital ang biktimang si Lester Martinez y Villa, alyas Arjay, 25, may asawa, samantala ang suspek ay nakilalang si Ceferino Villagarcia, kapwa residente ng nasabing lugar.

   Ayon sa salaysay ng saksi,  9:00 ng umaga sinundan si Martinez para bumili ng ice cream ngunit nakita nya ito at si Villagarcia na mainit na nagtatalo. Hindi nagtagal bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ng maraming beses ang biktima.

   Pagkatapos, mabilis itong tumalilis sa hindi nalamang direksyon. Narekober ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng hindi pa natutukoy na baril. –Ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *