Lalaking kabilang sa Drug Watchlist ng Bongabon, Patay sa Tandem; bangkay ng hubo’t hubad na dalaga, natagpuan sa palayan; kasong murder vs tricycle driver sa pagpaslang sa manggagawang bukid, isinampa na

Habang nasa mamihan kasama ng kanyang dalawang kasama,  pinagbabaril ng tandem si alyas Jojit Macalino na kabilang sa Drug Watchlist ng Bongabon.
Habang nasa mamihan kasama ng kanyang dalawang kasama, pinagbabaril ng tandem si alyas Jojit Macalino na kabilang sa Drug Watchlist ng Bongabon.

    Patay ang isang lalaking kabilang sa Drug Watchlist ng Bongabon Police Station makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa barangay Santor.

    Kinilala ang biktimang si George Macalino y Trinidad alyas Jojit, 41-anyos, may-asawa, residente ng naturang barangay.

    Ayon sa salaysay ng mga saksi na sina Pee-jay Parungao at Hiro Catli, bandang 10:30 ng gabi, habang nasa mamihan sila kasama ang biktima nang huminto ang isang motorsiklo kung saan nakasakay ang mga suspek at bigla na lamang niratrat ang biktima.

    Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.

     Narekober ng SOCO sa bulsa ng biktima ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, anim na basyo at tatlong balang hindi pa natutukoy na baril.

Kalunus-lunos ang sinapit ng dalagang si Mary-Ann Sanchez matapos matagpuang patay sa gilid ng palayan sa bayan ng Zaragosa.
Kalunus-lunos ang sinapit ng dalagang si Mary-Ann Sanchez matapos matagpuang patay sa gilid ng palayan sa bayan ng Zaragosa.

    Zaragosa- Natagpuang hubo’t hubad at duguan ang bangkay ng isang dalaga sa gilid ng palayan sa Sitio Putot, barangay Conception East, bayan ng Zaragosa.

    Kinilala ng kanyang mga kamag-anak ang biktimang si Mary Ann Sanchez y Valenciano, 29-anyos, residente ng barangay Conception West ng nasabing bayan.

    Base sa initial report ng Zaragosa Police Station, dakong 9:30 ng umaga nang matuklasan ng magsasakang si Edcel Esteban ang bangkay ng biktima malapit sa pahingahang kubo sa bukid.

    Lumabas sa Medico-Legal examination, nagtamo ng sampong saksak sa kanyang likuran ang biktima.

Pormal ng kinasuhan si Reynaldo Daigdigan, itinuturong suspek sa pagpatay sa isang manggagawang bukid sa bayan ng San Leonardo.
Pormal ng kinasuhan si Reynaldo Daigdigan, itinuturong suspek sa pagpatay sa isang manggagawang bukid sa bayan ng San Leonardo.

    San Leonardo- Sinampahan na ng kasong murder ang isang tricycle driver na itinuturong pumaslang sa manggagawang bukid na natagpuang patay sa gitna ng palayan sa barangay Tabuating, San Leonardo.

     Kamakailan ay pormal nang kinasuhan ang suspek na si Reynaldo Daigdigan y Rigonan, 41-anyos, may asawa, tricycle driver, naninirahan sa nabanggit na lugar.

     Batay sa ulat ng SOCO, nagtamo ang biktima ng malubhang sugat sa ulo na posibleng naging sanhi ng kamatayan nito.

     Matatandaang natagpuang nakalublob sa putik sa gitna ng palayan ang bangkay ng biktimang si Tony Velarde y Villanovo, 41-anyos, may asawa, residente ng naturang lugar.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *