Lalaking kabilang sa drug watchlist, patay sa buy-bust sa Aliaga; may-ari ng get-away vehicle na ginamit sa pagpatay sa Tarlac City, pinaghahanap; tulak umano ng droga na nalaban sa pulis, todas sa Carranglan

Patay sa isinagawang buy-bust operation ng Aliaga Police Station ang isang lalaking diumano’y kabilang sa Drugs Watchlist ng Cabanatuan City Police Station.

Kinilala ang suspek na si Juanito Sagun na residente ng barangay San Juan, Aliaga.

Base sa report ng pulisya, bandang 6:30 ng gabi noong July 8, 2019, naramdaman ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya binaril nito ang mga operatiba na gumanti naman ng putok.
Tinamaan at malubhang nasugatan si Sagun na naging sanhi ng kamatayan nito.

Samantala, pinaghahanap ng mga otoridad ang may-ari ng red/black unit Mitsukoshi Bonus X na may plate number CC 94379, engine number VMVA2H2H121064, at chassis RLGSC10FHGH121201.

Ang naturang motorsiklo ay ginamit ng apat na suspek sa pagpatay kay Kapitan Allan San Sebastian ng barangay Paraiso, Tarlac City noong July 7, 2019.

Inilarawan ang gun man na nakasuot ng kulay blue reflectorized vest na may white lining at logo na kadalasang ginagamit ng mga motorcycle riders.

Sa sinumang may impormasyon sa nasabing motorsiklo at suspek manyaring kumontak sa 0943-042-7760.

Sa bayan ng Carranglan, todas ang isang tulak umano ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa barangay T.L Padilla.
Nakilala lamang ang suspek na si Darwin Gamboa alyas Goma.

Ayon sa ulat ng Carranglan Police Station, dakong 4:30 ng madaling araw nang magkabarilan ang suspek at mga pulis.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang isang caliber .38 revolver, mula sa suspek ang mga transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang five hundred peso bill na ginamit bilang marked money.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *