LGBT Community dinagsa ang Ms. Q and A InterTALAKtic sa Bayan ng Bongabon

Dalawa lamang sina Jammy Tanghalin at  Jillian Robi sa mga miyembro ng LGBT Community na dumalo sa kauna-unahang Ms. Q and A InterTALAKtic sa Bayan ng Bongabon. Anila ang pagkakaroon ng ganitong programa sa kanilang lugar  ay hudyat na ng pagtanggap  sa third sex na katulad nila.

 Nakatutulong umano ang ganitong patimpalak para mamulat ang mga kabataan na sila ay parte rin ng lipunan at nararapat na igalang.

Ayon kay Rhen Rhen Suarez Reyes, Pangulo ng LGBT IQ Bongabon at naging kandidata sa patimpalak sa “Showtime” kung saan inspired o hango ang kanilang Kumpetisyon.

Aniya ito ay ginagawa nila upang magbigay entertainment sa mamamayan ng Bongabon.

Sinuportahan naman ni Mayor Ricardo Padilla ang patimpalak dahil aniya sila ay hindi naman nagdudulot ng problema sa kanyang nasasakupan bagkus nagiging asset pa at may pakinabang aniya sa lipunan.

Hindi na aniya kailangan mag-import ng mga komedyante sa kanilang lugar upang makapagpasaya sa tuwing may selebrasyon dahil marami nito sa kanyang nasasakupan at ito’y kanyang ipinagmamalaki.

Samantala apat na kandidata ang isinalang sa unang gabi ng naturang kumpetisyon na nagpagalingan sa pagrampa at nagtagisan ng talino sa pagsagot sa bawat katanungan na inihanda ng hosts at hurado.

itinanghal na winner ang  labing-walong taong gulang na kandidata mula Brgy. Sisilang  na nagngangalang Jomar Geronimo Angeles a.k.a

Chunsa China Tiffany Geronimo Angeles.

Ang Ms. Q and A InterTALAKtic ay hango sa salitang TALAK sa Gay Lingo na ang ibig sabihin ay pagsabi, pagsagot, pagsalita. Boka o  hanash naman ang iba pang tawag nito sa Gay Language.

Ang naturang kumpetisyon  ay bahagi ng kanilang isang daang araw na pagdiriwang ng Bongabon  Sibuyas Festival na  magsisimula sa April 1 hanggang April 10. -Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *