LIBO-LIBONG NOVO ECIJANO, NATUPAD ANG PANGARAP NA MAKAPAGPAKONSULTA AT MAKAPAGPA-OPERA NG LIBRE

Libo-libong Novo Ecijano mula sa ikaapat na distrito ang binigyang katuparan ang mga pangarap na makapagpakonsulta at makapagpa-opera ng libre handog ng ama ng lalawigan Governor Oyie Umali at ina ng lalawigan Congresswoman Cherry Umali.

Isa si Geraldine Abillion tubong Putlod, Jaen Nueva Ecija sa mga libo-libong nakatanggap ng libreng operasyon o Surgical Mission mula sa mag-asawang Umali.

18 taong tiniis ni Geraldine ang malaking bukol sa kanyang leeg at nang marinig ang magandang balita sa kanyang mga kabarangay ay hindi na pinalampas ni Geraldine ang pagkakataon.

Halos dalawang buwan nang naoperahan sa Goiter si Geraldine.  Ayon sa kanya, napakalaking tulong ng ganitong proyekto para sa mga katulad nyang kapos sa buhay na walang gaanong panustos upang makapagpagamot at makapagpa-opera.

Emosyonal na nagbigay ng mensahe si Geraldine kina Governor Oyie Umali at Congresswoman Cherry Umali sa pagtupad ng kanyang pangarap na maipagamot ang kanyang karamdaman.

Ayon naman kay Marlon Mercedes ng Brgy. Malapit, San Isidro, na naoperahan ng Bato sa Apdo, nakatipid siya ng halos P20, 000 sa pagpapaopera.

Labis ang pasasalamat ng mga nabenepisyuhan ng programa sa ama at ina ng lalawigan at tanging kahilingan nila na magpatuloy pa ang ganitong programang nasimulan ng gobernador sa lalawigan.

Nauna nang nagdaos ng kahalintulad ng aktibidad sa 2nd District na ginanap sa San Jose City General Hospital, 3rd district na ginanap sa Bongabon District Hospital at ELJ Memorial Hospital kung saan umabot din ng libo-libong katao ang nabenepisyuhan.- Ulat ni Shane Tolentino

[youtube=http://youtu.be/niFG1ImRUOQ]

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *