Libreng gamutan sa Klinikang Bayan ng CBHP, sisimulan na

   Sisimulan na sa darating na Sabado, Oct 29, 2016 mula ala una hanggang alas singko ng hapon ang libreng konsultasyon at gamutan hatid ng klinikang bayan ng Nueva Ecija Community Based Health Program Incorporated.

   Upang makapagbigay ng abot-kayang serbisyong medikal para sa mga maralitang magsasaka at iba pang mahihirap na mamamayan, pinasinayaan at binuksan na ang klinika ng CBHP na matatagpuan sa 2nd floor ng Ace Building sa Daan Sarile, Cabanatuan City.

Ang loob ng klinikang bayan ng CBHP sa Ace Building, Daan Sarile, Cabanatuan City.
Ang loob ng klinikang bayan ng CBHP sa Ace Building, Daan Sarile, Cabanatuan City.

   Ang inisyatibang ito ay sumasalamin umano sa patuloy na pagtindi ng krisis sa lipunan na nagpapahirap sa malawak na masang magsasaka, at manggagawa kaya naiisantabi ang mga pangangailangang pangkalusugan.

   Nakikiisa ang CBHP sa pagpapaigting sakampanya at panawagan laban sa pribatisasyon ng mga pampublikong ospital, serbisyong medikal, at paglalaan ng gobyerno ng dagdag budget para sa kalusugan ng mamamayan.

Gumagamit ng herbal medicines sa panggagamot ang CBHP Inc.
Gumagamit ng herbal medicines sa panggagamot ang CBHP Inc.

   Kasabay ng pagbubukas ng klinikang bayan, nananawagan ang CBHP ng suportang material, pinansiyal, at voluntary services ng mga doctor, nurses, dentist, iba pang health professionals gayundin ng tulong mula sa mga health science students.

   Kabilang sa mga uri ng panggamot na ihahatid ng klinika ng CBHP ay ang Western Medicine na isasagawa ng mga lisensyadong doctor na boluntaryong magbibigay ng kanilang serbisyo; alternative medicine, partikular ang acupuncture at ventosa; at paggamit ng herbal medicines.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *