LIBRENG TULI AT BUNOT NG NGIPIN PARA SA MGA RESIDENTE NG ILANG BRGY. SA LUNGSOD NG CABANATUAN, INIHATID NG NUEVA ECIJA PROVINCIAL GOVERNMENT

Nakangiti pa habang nakasalang sa pagpapatuli ang sampung taong gulang na si Yussel at tila walang anumang sakit na nararamdaman habang siya ay tinutuli.

 

Isa lamang si Yussel sa mahigit kumulang limampung batang nabenepisyuhan ng libreng tuli hatid ng Pamahalaang Panlalawigan na ginanap sa brgy. Hall ng Mabini Extension, Cabanatuan City kahapon ng umaga.

 

Ilang doktor at dentista mula sa PHO o Provincial Health Office ang nanguna sa pagtutuli at pagbubunot ng ngipin kasama na ang pagbibigay ng mga gamot sa mga residente ng naturang barangay maging sa ilan pang kalapit na lugar.

 

Ayon kay Konsehal Myrna Cruz, malaki ang tulong ng mga ganitong libreng serbisyo para sa publiko partikular sa kanilang brgy. at ilan pang kalapit nito kung saan marami sa mga residente ang mayroong mahirap na pamumuhay.

 

Umabot sa humigit kumulang isandaang residente ang ng mga nabenepisyuhan ng nasabing programa na lubos na nagpasalamat sa Provincial Government sa pamumuno ni Gov. Aurellio “Oyie” Umali katuwang ang kaniyang asawa na si Congw. Cherry Umali at kapatid na si Doc. Anthony Umali.

 

Samantala bukas sunod na pupuntahan ng grupo ang brgy. Imelda sa lungsod ng Cabanatuan upang doon naman magbigay ng libreng serbisyo. – Ulat ni Mary Joy Perez

https://www.youtube.com/watch?v=fRE4GAM_qNw

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *