Libreng workshop sa mga aspiring make -up artist, handog ng TS Academy of Beauty

Dalawa lamang sina Juliana Valino at Marita Ciriaco sa aspiring makeup artist sa lalawigan na nag-enroll sa 4th Make-Up Workshop na handog ng Tonie Supena Academy of Beauty.

Ayon kay Juliana Valino, 18 Yrs Old Model, mahalaga aniyang matuto sa pagmi-makeup ang katulad niyang Beuty pageant enthusiast upang siya na lang ang mag ayos sa kaniyang sarili sa tuwing may pageants bukod pa sa mahal mag arkila ng professional makeup artist.

Kuwento naman ni Marita Ciriaco, 49 Years Old at anim na taon ng Hairstylist, dahil aniya sa demand ng mga customer niya na gustong magpamake up sa kaniya  pagkatapos niyang ayusan ng buhok kaya siya nagkaroon ng lakas ng loob na mag-enroll sa workshop at matutunan ang pagmimake up.

Kabilang sa mga ituturo sa workshop ay basic routine, tamang paggamit ng make-up tools, makeup techniques, basic skin care, day and night make up, color, at proper application of eyebrows or Kilay goals.

Ayon kay Tonie Supena, Founder ng TS Academy of Beauty at Owner ng Tonie Supena Salon, pagkakataon na aniya na ibahagi ang kaniyang kaalaman upang makatulong mapa Personal at Professional na aspekto dahil naniniwala aniya siya na ang pinakamagandang legacy o maiiwan sa puso ng tao ay ang ibahagi ang kaalaman o mga natutunan sa industriya.

Layunin ng workshop ay maturuan ang mga mahihilig mag-make up sa madaling paraan na maari nilang gamitin pangsarili o pagkakitaan.

Tiniyak naman nito na walang babayaran ang mga nais matuto sa pagmi-makeup. Kung meron man aniya ay makeup tool katulad ng brush na ginagamit sa pagmi-make up.

Nagpaabot naman ng mensahe si Supena sa mga aspiring makeup artist sa lalawigan na gustong matuto. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *