LIBU-LIBONG INC MEMBERS MULA SA NUEVA ECIJA CENTRAL, NAKIISA SA GINANAP NA UNITY WALK SA FREEDOM PARK CABANATUAN CITY

“We are one with EVM” ito ang sigaw ng libu-libong miyembro ng INC o Iglesia ni Cristo mula sa Nueva Ecija Central na nakiisa sa ginanap na Unity Walk sa lungsod ng Cabanatauan.

Ito ay bilang pagpapakita ng pagmamahal at suporta sa pamamahalang pangkalahatan ng INC o Executive Minister na si Eduardo V. Manalo.

Walang pagod na naglakad ang mga miyembro ng INC ng ilang kilometro patungong Freedom Park kung saan sila nagdaos ng maikling programa.

Kasabay nasabing Unity Walk magkakaroon rin ng isang Unity Games ang INC sa darating na September 25, 2015 na idaraos ng sabayan ng milyun-milyong mga miyembro nito mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Samantala, nagpahatid pa ng pagbati ang mga INC members para sa ika-anim na taong pamamahala ni Manalo sa Iglesia.Ulat ni MARY JOY PEREZ

[youtube=http://youtu.be/Zx0uYKzRrdI]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *