Liga ng Manggagawang Bukid, naglunsad ng pangkalahatang asembliya

 

Sinalubong ng kilos-protesta ng mga mangagawang bukid ang pagpasok ng anihan.
Sinalubong ng kilos-protesta ng mga mangagawang bukid ang pagpasok ng anihan.

Naglunsad ng pangkalahatang asembliya ang Liga ng mga Manggagawang Bukid sa Nueva Ecija na ginanap sa Cabanatuan City.

Layunin ng assembly na buuin at pagkaisahin ang masang magsasaka sa lalawigan upang patuloy na ipagtanggol ang kanilang kabuhayan.

Ngayong panahon ng anihan ng palay, umaasa ang mga mangagawang bukid na kikita ngayong ngunit dahil sa nakikipag-unahan sa kanila ang “halimaw” na reaper/ harvester ay nangangamba silang mawalan ng hanap-buhay.

Nagagawa ng makinang harvester na makapag-ani, makapag-ipon, maglinis, mag-giik, at mag-sako ng palay

Pinapatay umano ng tinaguriang “halimaw” ang kabuhayan ng daan-daang manggagawang bukid.
Pinapatay umano ng tinaguriang “halimaw” ang kabuhayan ng daan-daang manggagawang bukid.

sa iisang pasada sa saklaw na 5.5 na ektarya ng lupa kada araw.

Dahil sa “halimaw “, ang dating tinatrabaho ng mahigit kumulang dalawampong manggagawang bukid sa isang ektarya ay nagagawa na lamang ng tatlong katao; ang operator ng harvester, pahinanteng taga-sahod sa sako ng nagiik na palay at taga-sara nito.

Resulta nito ang lumalaganap na pagkawala ng hanap-buhay  ng mga manggagawang bukid na karamihan ay mga maralitang magsasakang walang sariling lupang binubungkal.

Hindi umano tutol ang Liga ng Manggagawang Bukid sa mekanisasyon sa agrikultura kung may tunay ng reporma sa lupa, at pambansang industralisasyon.- ulat ni Clariza de Guzman

0202


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *