Listahan ng mahihirap sa Nueva Ecija, maaari ng makuha ng mga LGU

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija na bigyang permiso na magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Provincial Government sa katauhan ni Gov. Oyie Umali at mga indibidwal ng lungsod o munisipalidad upang maibahagi ang listahan ng mga mahihirap sa buong probinsiya na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

PSWDO Elvie Ronquillo, nagsilbing tagapagsalita ukol sa kahilingan na pagpasa ng resolusyon sa naturang MOA

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Elvie Ronquillo, ang listahan o tinatawag na National Household Targeting System for Poverty Reducation (NHTS-PR) ay isang information management system na naglalaman ng mga detalye ng mga mahihirap na mamamayan sa buong probinsiya.

Aniya, ang pakikipagkasundo ay magiging tulay upang maibaba ng kapitolyo sa mga Local Government Unit (LGU’s) ang mga tinukoy na pangalan ng mga mahihirap ng DSWD upang sila ang maging prayoridad sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Paglilinaw naman ni Ronquillo, iba ang listahan data base na ito sa tala ng mga benepisyaryo ng 4P’s.

Ang listahan data sharing ay protektado ng Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012 na kung saan nakapaloob ang ang pangalan, tirahan, miyembro ng pamilya at klase ng pamumuhay ng bawat isa.

Ang Nueva Ecija, ang ikatlong probinsya sa region 3 na nagawaran ng kumpletong datos ng listahan ng mahihirap, kasunod ang mga probinsiya ng Bataan at Zambales. – Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *