Litrato ng Kasaysayan at kabayanihan ng mga sundalong Pilipino, tampok sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng Philippine Army

Litrato ng  Kasaysayan at  kabayanihan ng mga sundalong Pilipino, tampok sa selebrasyon ng  Araw ng Kalayaan ng Philippine Army. 

Naging tampok sa selebrasyon ng Philippine Army 7th Infantry Kaugnay Division ng ika-121  Araw ng kalayaan ang mga litrato ng sandatahang lakas na nagpapakita ng kasaysayan at kabayanihan ng sundalong Pilipino na ginanap sa SM Mega Center Cabanatuan City..

Ayon kay LT. Col. Ulysis V. Laude Acting Commander ng  7th CMO Battalion ang taunang programa na ito ay pamamaraan upang alalahanin ang mga bayani ng ating bansa at ipagbunyi ang paglaya ng bansang Pilipinas. 

Ang ilang mga larawan ng nakaraang ikalawang digmaang pandaigdig na ipinakita dito ay nagpapakita ng mahalagang parte ng pag laya ng mga Pilipino sa kamay ng mga banyagang mananakop.

Larawan sa Marawi, nagpapakita ng pag laban ng AFP sa mga terorista.

 Bukod pa dito ay nagpakita rin ng mga larawan ng sa Marawi at pag tulong ng sandatahang lakas sa mga mamamyan na naipit sa digmaan. sa pahayag ni Leutenant Coronel Laude ay patuloy na nananatili sa Marawi ang tatlong batalyon ng army na tumutulong rin sa rehabilitasyon at humanitarian assistance at disaster relief operations.

Nagkaroon rin ng programa ang AFP na nagpapakita ng talento ng mga sundalong Pilipino.Β  Ipinakita rinΒ  ng AFP ang mga armas at kagamitan ng AFP na ayon kay LT. Col. Ulysis Laude ay paraan upang mas tumaas ang tiwala ng mga mamamayan na kayang iopagtanggol ng Sandatahang lakas ang mga Pilipino. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *