Livelihood Outreach Project ng NEUST Kappa Epsilon, nagbigay ng kabuhayan sa mga katutubong Aeta

Nagbigay ng kabuhayan ang grupo ng Nueva Ecija University Science and Technology Kappa Epsilon Chapter sa mga katutubong Aeta noong Sabado August 31, 2019 sa Barangay Doña Josefa lungsod ng Palayan.

Tinuruan ng Kappa Epsilon ang mga Aeta kung paano gumawa ng Fabric Softener bilang alternatibo nilang kabuhayan.

Sa 250 grams ng fabric softener flakes, 10 miligram ng ethyl alcohol,10 ml ng Downy Scent ay maaaring makagawa ng 3 litrong frabric softener na pwedeng umpisa ng kanilang negosyo.

Unang hakbang ang pagdurog ng 250 gram ng fabric softener flakes sa isang plastic container at gumamit ng wooden ladle,

Pangalawa ay dahan – dahan na haluin ang flakes sa 2 liter ng hot de – ionized na tubig at haluin para matunaw ang flakes,

Pangatlo, matapos haluin ay hayaan na itong lumamig,

At panghuli, kapag natunaw na ang flakes, maghalo at idagdag ang 1 litro ng de – ionized o distilled na tubig.

Ayon sa  Activity Head ng NEUST Kappa Epsilon Chapter na si Jennifer Gonzales, miyembro ng nasabing fraternity, layunin ng naturang outreach na makatulong sa kabuhayan ng mga katutubong Aeta sa pamamagitan ng paggawa ng fabric softener o downy.

Nagpasalamat naman si Juliet Antonino Kagawad sa nasabing Barangay sa lahat ng opisyal at miyembro ng KAPPA EPSILON dahil sila ang napiling benepisaryo ng kanilang outreach project.

Bukod sa pagbibigay ng negosyo sa mga taga Doña Josefa nagpafeeding program din ang fraternity sa mga batang katutubo kasama ng kanilang mga pamilya sa Kalikasan Elementary School.

Kitang – kita sa muka ng mga dumalo sa outreach program ang saya at busog dahil sa natanggap nilang mga biyaya.

Ang Kappa Epsilon ay isang organisasyon o fraternity na tumutulong sa mga nangangailangan at modelo ng kabutihan.

Sa mga nagna­nais pang tumulong sa mga katutubo sa Sitio Batacao, Palayan City na labis pang nanga­ngailangan ng pagkain, tulad ng bigas, noodles, at delata ay maaaring makipag-ugnayan sa NEUST KAPPA EPSILON Nueva Ecija Chapter. – Ulat ni Joice Vigilia/ Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *