LLANERA MAYOR LORNA MAE VERO, MASAYANG TINANGGAP ANG P3M WORTH OF BAMBOO PRODUCTION EQUIPMENTS MULA SA DTI

 

Nagkakahalaga ng mahigit P3M worth of bamboo production equipments ang ipinagkaloob ng (DTI) Department of Trade and Industry sa ilalim ng proyekto ng pamahalaan na (SSF) Shared Service Facility Project sa bayan ng Llanera.

 

Dahil dito, hindi naikubli ni LLanera Mayor Lorna Mae Vero ang kaniyang kasiyahan dahil aniya isang katuparan ito para sa mga pangarap at dasal ng ilang kooperatibang gumagawa ng mga bamboo products sa kanilang bayan na manu-mano ang proseso.

 

Kabilang sa mga naibigay na equipments ang grinding machine, thickness planer, table saw machine, pole cutter at iba pa na magagamit ng (PAMANA) Pamayanang Nagkakaisa Producers Cooperative na siyang pangunahing benepisyaryo ng mga naturang makina.

Ayon kay Fernando Nano tumatayong pangulo ng PAMANA at brgy. Captain sa bayan ng Llanera, napakalaking tulong ng mga nasabing makina sa kanila lalo pa nga at manu-mano talaga ang kanilang paggawa ng mga bamboo products gaya ng mga silya.

 

Napili umano ng DTI ang bayan ng Llanera bunsod na rin ng pagkakaroon nito ng malawak o malaking industriya ng kawayan aabot sa humigit kumulang labinlimang ektarya.

 

Sa kasalukuyan, isa ang kawayan sa mga pangunahing produkto ng Llanera na magkatuwang na pinalalago ng LGU’s o Local Government Units kasama ang Provincial Government at ma-ingat na inaalagaan ng (MENRO) Municipal Environment and Natural Resources Office ng bayan ng Llanera.

 

Samantala, pangdalawamput pitong bayan na sa lalawigan ang Llanera sa mga nabenepisyuhan ng SSF Project ng DTI.- Ulat ni Mary Joy Perez

[youtube=http://youtu.be/Fl3zLkEFKGY]

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *