Lola, namatay matapos kumain ng cake

Patay ang isang 60-anyos na babae matapos sumali sa cake-eating contest sa bansang Australia. Nakaranas umano ng seizure ang ginang ng mabulunan sa pagkain ng lamington cake na mayroong chocolate sauce at ginadgad na niyog.

Nagkaroon umano ng seizure ang 60-anyos na biktima makaraang isubo ang cube-shaped na Australian cake na lamington.

Dinala pa ang babae sa ospital pero nasawi rin kalaunan.

https://www.bomboradyo.com/babae-patay-matapos-sumali-sa-cake-eating-contest-sa-australia/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *