Mabahong amoy at langaw dulot ng Poultry Farm sa Bayan ng Cuyapo, inirereklamo

Sa isang panayam kay Punong Barangay Rodrigo Agustin, sinabi nito na inilapit na nila ang naturang suliranin kay Cuyapo Mayor Flor Paguio-Esteban.

Tuwing malapit na o sasapit na ang pagha-harvest ng manok ay sandamakmak na langaw umano ang umaatake sa kanila.

Nitong nakaraang linggo lamang nang salakayin umano ang kanilang mga bahayan ng sandamakmak na langaw mula umaga hanggang pagsapit ng gabi.

Sa loob ng kulambo pa umano kumakain ang kanilang pamilya upang hindi ito dapuan ng mga langaw, dahil ilan na sa kanilang mga batang anak ay nagkakasakit dahil dito.

Ilang ulit na rin umano itong pinepetisyon ng mga residente roon at ngayong araw July 9 ay magkakaroon ng general assembly ang barangay para muli itong ipetisyon na maipasara.

Matagal na umanong nagtitiis ang pamilya Andres sa Barangay San Juan sa Bayan ng Cuyapo sa mabahong amoy na nagmumula sa BARMABEL Farm Incorporated sa kanilang lugar.— Ulat ni Jovelyn Astrero

https://youtu.be/dMp02YkdGGA


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *