Mabuti at masamang epekto ng paggamit ng gadgets, tinalakay sa 2018 ESP Division Festival of Talents and Virtues

“Mapanuring Paggamit ng Gadget tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa”, yan ang tema ng mga nilikhang slogan, collage, Value Virtue Exposition o Extemporaneous speech at TUGSAYAWIT  ng 116 na eskwelahan sa ilalim ng Nueva Ecija Division School.

Ayon kay Teresita Macapagal, Principal ng Lino P. Bernardo National High School, ang labis na paggamit ng gadget ang nagiging dahilan ng pagkawala ng komunikasyon ng pamilya sa bawat isa ngunit sa kabilang banda ay mayroon ding halaga at magandang naidudulot  ang gadget sa pagbubuklod-buklod ng isang pamilya.

Ang Edukasyon sa pagpapakatao  Division Festival of Talents and Virtues ay isang kumpetisyon sa paaralan na  ang mga mag aaral ay nagpapamalas ng  kanilang talento at talino sa pagbibigay ng isang paksa na tinatalakay ang maaring maidudulot  mabuti man o hindi sa komunidad.

Sa panayam kay Evelyn Solis, OIC’s Education Program Supervisor ng Edukasyon sa Pagpapakatao Guidance and SPED, ginagawa nila ito upang hubugin ang talento at pag-uugali ng mga mag-aaral, palakasin ang Filipino Values, Kultura at ang ideya na “Maka-Diyos, Makatao, Makabayan at Makabansa. 

Nasungkit ng Peñaranda National High School ang titulo sa Collage Making Contest, Nueva Ecija High School (Senior High School) naman ang nagwagi sa Value Virtue Exposition o extemporaneous speech at hinirang naman ang Bongabon Senior High School sa Tugtog Sayaw at Awit o Tugsayawit na may sariling komposisyon na ang teknolohiya ang solusyon upang tayo’y makabangon sa ating pagkakabaon.

Ang mga nanalo ay magiging representante  sa Regional Festival of Talents Competition sa darating na Nobyembre 21 hanggang 23 taong kasalukuyan.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *