Mag–aaral ng CNHS, nagpamalas ng galing sa Theatrical Show Aegis

Nagpamalas ng galing ang mga estudyanteng Cabaioueño sa Theatrical Show Aegis sa Cabaio National High School noong February 13, 2019.

Napamangha ang mahigit isang libong manunuod dahil sa galing na ibinahagi  ng mga estudyanteng nagbigay aral at inspirasyon sa mga kapwa nila mag – aaral.

Kaya hindi maikakaila ang talento ng mga Novo Ecijano kahit ano man ang gampanang role nito .

Ayon kay Direct Edralin Pablo, ang theatrical show na ito ay upang mailihis ang mga kabataan at estudyante sa mga masasamang bisyo at magkaroon ng kaalaman at  maayos na kinabukasan.

Pinuri rin ni Pablo ang mga estudyante  ng naturang paaralan dahil sa pagiging mahusay pagdating sa larangan ng pagpapakita ng angking talento.

Sinabi naman ng Grade 10 Student ng Cabaio na si Franchesca Flores, na importante ang ganitong programa dahil naipapakita nila na hindi lang sila basta – bastang kabataan kundi nakapag – aambag din sa lipunan.

Pahayag ng Master Teacher I na si Mary Jane Gutierrez, layunin nito na maipakita ng mga estudyante ang mga talento  lalo’t higit sa pag –arte, pagkanta at pagsayaw.

Ang Theatrical Show Aegis ay hango sa pagsisiwalat ng kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa labanan ng mga sundalo at rebelde.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *