Mag-ina, walaong buwan nang nawawala; Mister, umalis ng Valentine’s day; hindi na bumalik

Pinaghahanap pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mag-ina na mahigit walong buwan nang nawawala.

Ang mag-inang Ventura na walaong buwan nang nawawala.


Sa sinumang makakakita sa mag nanay ay manyaring kumontak sa mga numerong 0920-1168-678 at 0917-3146-479.
Ini-report ni Ginoong Noel Ventura na simula pa noong June 7, 2017 ay hindi na umuwi sina Hydee de Guzman y Ventura, trent’ay singko anyos, may sakit umano sa pag-iisip at anak nitong si Jericho de Guzman y Ventura, limang taong gulang sa kanilang tahanan sa Number 532 3rd Street, Melcar Subdivision, barangay Calaocan San Jose City.

Samantala-  umalis umano ang isang mister noong February 14, 2017, alas onse trenta ng umaga at magmula noon ay hindi pa bumabalik sa kanilang bahay sa Kapitan Pepe Phase II, Cabanatuan City.

Si Alfrey del Mundo na nawala noong Araw ng mga Puso.

Huling nakita si Alfrey del Mundo Alfaro na nakasuot ng kulay apple green T-shirt, maong shorts at sandals.

Kung sino man ang makakatagpo kay Alfrey ay tumawag o magtext sa hotline number ng Cabanatuan Police Station na 09355222227.-ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *