Magkahiway na buy-bust sa Nueva Ecija, nauwi sa engkwentro

Nauwi sa engkwentro ang magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa lalawigan noong Linggo July 7, 2019.

12:20 ng madaling araw sa barangay Marikit, Pantabangan nang magkabarilan ang pulis na nagpanggap na bumibili ng droga at suspek na si Michael Santos y Bonotan, 36 years old, binata, driver at residente ng Aduas Sur, Cabanatuan City.

Narekober ng SOCO sa crime scene isang itim na Kawasaki Bajaj na may sidecar, apat na basyo ng 9mm, isang kalibre kwarenta’y singkong baril, isang kulay green at black na sling bag na naglalaman ng pera at isang at isang kaha ng sigarilyo na may lamang apat na transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nauna umanong bumunot ng baril at pinaputukan ni Michael Santos ang pulis na nagpanggap na bumibili sa kanya ng droga.

Sasampahan ang suspek ng kasong Attempted Homicide, violations of Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
11:30 naman ng gabi nang mapatay sa isinagawang operasyon ng Zaragoza Police Station sa barangay Carmen ang suspek na si Rhandel Ignacio y Ortiz, residente ng San Juan Accfa, Cabanatuan City.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransaksyon nito kaya pinapatukan ito ngunit nagmintis. Gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan si Ignacio na naging sanhi ng kaagad nitong kamatayan.

Nasamsam ng SOCO pinangyarihan ng krimenang isang caliber .38 revolver, apat na basyo ng bala nito, dalawang basyo ng bala ng 9mm na baril, tatlong piraso ng maliliit na plastic sachet ng shabu, isang one thousand pesos bill na ginamit bilang marked money at isang cellphone.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *