Magsasaka binoga ng kapwa magsasaka, tigok; Municipal Engineer ng Laur, pinagbabaril hanggang mamatay; Tindero tinambangan, patay

Pinagbabaril ng kapwa magsasaka si Artemio Gagarao ng Tabing, Licab dahil umano sa dating alitan.
Pinagbabaril ng kapwa magsasaka si Artemio Gagarao ng Tabing, Licab dahil umano sa dating alitan.

     Dahil umano sa sama ng loob bunga ng dating alitan kaya nagawang paslangin ng isang magsasaka ang kapwa magsasaka sa barangay Tabing Ilog, bayan ng Licab.

     Kinilala ang biktimang si Artemio Gagarao y Paltep, 50-anyos, may asawa, tubong Bolinao, Pangasinan, habang ang suspek naman ay kinilalang si Ramil Ventura y Aguilar, 43, may asawa kapwa residente ng Purok 1, barangay Tabing Ilog, Licab.  

     Base sa imbestigasyon ng pulisya, 9:00 ng gabi naglalakad ang biktima papauwi galing sa inuman, nang malapit na ito sa kanyang tahanan ay bigla na lamang lumitaw mula sa madilim na bahagi ng gate ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

     Tumagos sa ulo ng biktima ang tatlong bala ng baril na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.

     Nagsagawa ng operasyon ang mga rumespondeng pulis na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek na pansamantalang idiniteni sa Licab Police Station.

Nawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong army type jeep si Engineer Jonathan Liwag matapos barilin ng tandem sa Laur-Gabaldon road.
Nawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong army type jeep si Engineer Jonathan Liwag matapos barilin ng tandem sa Laur-Gabaldon road.

     Laur- Pinagbabaril hanggang sa mamatay ng riding in tandem ang Municipal Engineer ng Laur sa kahabaan ng Laur- Gabaldon road sa barangay Tres ng naturang bayan.

     Kinilala ang biktimang si Engineer Jonathan Liwag y Marcos, 52-anyos, may asawa, residente ng barangay Uno, Laur.

     Batay sa report, 11:50 ng gabi, sakay ng minamanehong army type jeep ang biktima papauwi ng bahay galing sa Christmas party ng munisipyo nang dikitan at barilin ng malapitan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

     Tinamaan sa katawan ang biktima na nawalan ng kontrol sa manibela. Nalihis sa kaliwang shoulder ng kalsada ang sasakyan ng biktima bago sumagi sa puno ng G Melina at tumalon sa irrigation canal.

     Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay pinag-aaralan pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagpatay sa biktima.

Inambush ng hindi nakilalang gunman ang tinderong si Wilfredo Nuñez habang binabagtas sa Sto. Tomas, Peñaranda. .
Inambush ng hindi nakilalang gunman ang tinderong si Wilfredo Nuñez habang binabagtas sa Sto. Tomas, Peñaranda. .

     Penaranda- Tinambangan ng mga hindi nakilalang salarin ang isang tindero sa Tagilid St. barangay Sto. Tomas.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan ang biktimang si Wilfredo Nunez y Altijar, 44, may asawa, residente ng barangay San Roque, bayan ng San Leonardo.

     Ayon sa ulat ng Penaranda Police Station, 10:30 ng gabi papunta sa direksyon ng Dream Water ang biktima lulan ng minamanehong tricycle nang bigla na lamang paputukan ng sunud-sunod ng mga hindi nakilalang suspek.

     Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at limang kaha ng kalibre .45 baril.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *