Magsasaka namamahinga, pinagbabaril ng tandem; Alyas “badboy”, natagpuang patay; Number 2 Drug Personality, itinumba

     Pinagbabaril ng riding in tandem ang isang magsasaka habang namamahinga sa tahanan sa barangay Bulak, lungsod ng Gapan.

     Kinilala ang biktimang si Michael Penero y Sampuleo, 38-anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar. Habang ang isa sa dalawang suspek ay kinilalang si Joselito dela Cruz, naninirahan din sa Bulak, Gapan City.

     Base sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, 8:30 ng gabi habang nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng bahay nang dumating ang mga suspek na magka-angkas sa isang motorsiklo at kapwa armado ng M16 rifle.

Nanood ng tv sa loob ng bahay si Michael Penero sa brgy. Bulak, Gapan City nang pagbabarilin ng riding in tandem.
Nanood ng tv sa loob ng bahay si Michael Penero sa brgy. Bulak, Gapan City nang pagbabarilin ng riding in tandem.

      Bumaba sa motor ang dalawa at pinaulanan ng bala ang tirahan ng biktima pagkatapos ay mabilis na tumakas.

     Sta. Rosa- natagpuang patay ang isang lalaki sa gilid ng Maharlika Highway, barangay Valenzuela.

     Nakasuot ang biktima ng black na jacket, short pants, bull cap, tinatayang may taas na 5’4, nasa edad 30-35, may tattoo ng katagang “Badboy 03” sa kaliwang braso, at 3 star and sun naman sa kanang binti.

Isang motorista ang nag-ulat sa pulisya na isang bangkay ng lalaki ang nakahandusay  sa highway ng Valenzuela, Sta. Rosa.
Isang motorista ang nag-ulat sa pulisya na isang bangkay ng lalaki ang nakahandusay sa highway ng Valenzuela, Sta. Rosa.

     Ayon sa report ni P03 Ryan de Castro, 3:52 ng hapon nang mamataan ng isang motorista ang bangkay na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

      Napag-alamang may apat na tama ng bala ng hindi pa natutukoy na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na inilagak sa Buenaventura Funeral Homes.

     Quezon- isa na namang biktima ang nadagdag sa humahabang listahan ng mga pinapaslang na may kaugnayan sa illegal na droga.

     Itinumba ng tandem sa barangay Dulong Bayan si Michael Angelo Roque y de Guzman, 31, driver, at residente ng nabanggit na lugar ang Number 2 sa mga target drug personality ng Quezon Police Station na.

Itinumba ng tandem si Michael Angelo Roque na sinasabing Number 2 sa Target Drug Personality ng Quezon Police Station.
Itinumba ng tandem si Michael Angelo Roque na sinasabing Number 2 sa Target Drug Personality ng Quezon Police Station.

     Batay sa ulat ni P01 Bryan Dave Miguel, 11:38 ng gabi, habang naglalakad sa kalsada ang biktima nang barilin ng tatlong beses ng dalawang hindi nakilalang lalaki na kapwa naka-helmet.

      Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singkong baril, dalawang napiyot na bala, dalawang piraso ng metal, isang lead core ng kwarentay singkong pistola, dalawang aluminum strip, at isang selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.- ulat ni Clariza de Guzman.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *