Magsasaka, natagpuang patay; Ginilitan at tinadtad ng saksak; Mister, tinodas ng 3 armadong kalalakihan sa harap ni misis; Quarry operator niratrat, dedo; kasamang helper, sugatan

     Natagpuang patay ang isang 57-anyos na magsasaka na ginilitan, at tadtad ng saksak sa Purok 2, barangay Pulog Singkamas, General Natividad.

     May isang tama ng saksak sa noo, apat sa dibdib, at tatlo sa kanyang likod ang biktimang si Gregorio Espanto y Miguel, biyudo, at residente ng naturang lugar.

Ginilitan at tinadtad ng saksak ng mga kapwa magsasaka si Gregorio Espanto sa sariling tahanan sa Pulong Singkamas, Gen. Natividad.
Ginilitan at tinadtad ng saksak ng mga kapwa magsasaka si Gregorio Espanto sa sariling tahanan sa Pulong Singkamas, Gen. Natividad.

     Ayon sa salyasay ni Edison Baltazar y Villaluan, 19, ng Purok 3, 8:00 ng gabi nang huli niyang nakita na lasing si Espanto kasama sina Renato Viloria y Villarubia alyas Nato, 18-anyos, may asawa, Rewowie Viloria y Villarubia alyas Wowie, binata, at Aga Viernes y Dumaya, edad bente, pawing mga magsasaka, at lahat ay naninirahan sa Pulong Singkamas, Natividad.

     Kinabukasan, 12:45 ng hapon nang madiskubre ni Erning Garcia ang bangkay ng biktima na nakahiga sa lamesa sa gitna ng bukid sa labas ng bahay nito.

     Kinagabihan, naaresto ng mga otoridad ang tatlong suspek at nakumpiska ang isang kitchen knife na diumano’y ginamit sa pagpatay sa biktima.

     Aliaga- pinagbabaril ng tatlong armadong kalalakihan ang isang lalaki sa harap ng kanyang misis sa Purok 6, barangay Bibiclat.

     Kinilala ang biktimang hindi na umaabot na buhay sa ospital na si Pablito dela Cruz y Alamon, 45-anyos, residente ng Purok dos ng naturang barangay.

Nadamay sa pamamaril kay Pablito dela Cruz ang  isang tindero ng baratilyo sa Bibiclat, Aliaga.
Nadamay sa pamamaril kay Pablito dela Cruz ang
isang tindero ng baratilyo sa Bibiclat, Aliaga.

     Batay sa report ng Aliaga Police Station, 11:30 ng gabi, naglalakad sa kalsada si Alamon kasama ang kanyang asawang si Perly dela Cruz y Viterbo, at mga kamag-anak na sina Henry dela Cruz y Alamon, 43 Rosemarie Mico y dela Cruz, , Aliyah Blanca dela Cruz, at Jamaicah dela Cruz nang bigla na lamang dumating ang tatlong suspek na lahat ay may katamtamang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt, naka-short pants at  armado ng kalibre .45 baril at bigla na lamang pinaputukan ng maraming beses ang biktima.

     Tinamaan ng ligaw na bala sa kanyang kanang binti ang isang tindero sa Baratillo na kinilalang si Ebrahim Dodato y Saben, 17-anyos, ng barangay Isla, Cabanatuan City.

     Narekober ng SOCO sa crime scene ang labing-isang basyo ng bala ng kwarenta’y singko, at isang napiyot na bala.

     Cabanatuan City- dead on the spot ang isang quarry operator habang nasugatan naman ang kasamahan nitong helper matapos ratratin sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa barangay Mayapyap Sur.

     Nakilala ang napaslang na biktimang si Alvin Quejada y Valeda, 37-anyos, may asawa, at residente ng Sapang Bato, General Natividad.

Magde-deliver sana ng graba at bato ang quarry operator na si Alvin Quejada nang pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek sa Maharlika hi-way, Cabanatuan City.
Magde-deliver sana ng graba at bato ang quarry operator na si Alvin Quejada nang pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek sa Maharlika hi-way, Cabanatuan City.

     Base sa imbestigasyon ng Cabanatuan Police Station, dakong alas onse singkwenta’y sais ng umaga, pagkasakay ni Quejada sa minamanehong Isusu Elf mini-dump truck na may plate number ABK-2002 na nakaparada sa gilid ng kalsada nang barilin ng paulit-ulit ng suspek na lumitaw mula sa kanyang likuran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *