Magsasaka Partylist, magiging katuwang ng Provincial Government sa pagbebenta ng Malasakit Rice sa merkado

Lumagda sa Memorandum Of Agreement ang Magsasaka Partylist sa katauhan ni Congressman Argel Joseph Cabatbat at Provincial Government of Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali .

Lumagda ng MOA ang Magsasaka Partylist at Provincial Government of Nueva Ecija.

Nakapaloob  sa kasunduan na bibilhin ng Magsasaka Partylist ang bigas mula sa mga napamiling palay ng Nueva Ecija Provincial Food Council sa mga magsasaka sa lalawigan.

Sa aming panayam kay Congressman Cabatbat ay sinabi nito na layunin ng Magsasaka Partylist na maging katuwang sila ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa pagbebenta ng Malasakit Rice sa merkado.

Diretso aniya itong ibebenta sa mas mababang halaga sa kanilang mga Magsasaka Outlet na laganap na sa Pilipinas.

Malaking bagay umano ang adbokasiya ni Congressman Argel Joseph Cabatbat ayon kay Gov. Aurelio Umali

Kwento nito na nang mabalitaan niya ang itinatag na Provincial Food Council sa Nueva Ecija ay ninais nila na makatulong rin sa mga magsasakang Novo Ecijano.

Dahil nalugi ang mga ito dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay dulot ng pagpasok ng mga imported na bigas dala ng naipatupad na Rice Tarrification Law sa bansa.

Para naman sa ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali, malaking bagay ang adbokasiya ng Magsasaka Partylist.

Dahil mas maraming mamamayan ang mas matutulungan nila pagdating sa pagbebenta ng mga produktong mula sa Nueva Ecija kung mas mapaparami ang mga Magsasaka Outlet.

Sa mga magsasaka na nagnanais na magbenta ng produkto ay maari lamang hanapin ang Facebook Page na Magsasaka Partylist at magparating ng inyong mga mensahe.- ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *