Magsisibuyas ng 9 na bayan at tatlong lungsod sa Nueva Ecija, apektado ng army worms

Apektado ng Army worms o Harabas  ang  mga pananim na sibuyas ng 9 na bayan at tatlong lungsod sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ito ay kinabibilangan ng  Bongabon, Talavera, Cuyapo, Llanera, Gapan, Quezon, Carranglan, Laur, Rizal, Science City of Munoz, Sto. Domingo at San Jose City.

Base sa assessment report ng Office of the Provincial Agriculturist as of march 12, 2018 ang  pinakaapektado ay ang lungsod ng  San Jose at Sto. Domingo kung saan 25 na magsasaka ang apektado  sa Sto. Dominggo. Habang 2, 345 naman ang apektadong magsasaka sa lungsod ng San Jose.

Sa kabuuan, base sa farm gate price, umaabot sa 211, 541, 292. 00  ang halaga ng mga  red creole o pula, red shallot o tanduyong  at puting  sibuyas na nasira ng harabas.

Ayon  kay Serafin Santos, Provincial Agriculturist, nagsagawa sila ng validation bilang pagtalima sa utos ni Governor Czarina Umali at lumabas na out of 9,000  hectares  na natamnan ng sibuyas  halos sampung porsyento lamang  umano ang naapektuhan, sa 10% na apektado ay  20% lamang  ang totally damaged at yung 80% ay meron pa namang marerecover  o pag asang makuha.

Paliwanag pa niya dahil sa pakikipagtulungan nila sa Regional Crop Protection Center ng Department of Agriculture  kung  kaya’t  kokonti lamang ang napektuhan ng harabas.

Dagdag pa ni Santos, maaring sa susunod na anihan  ay magkaroon ng rehabilitation program ang Department of Agriculture, at magbibigay ng libreng buto ng sibuyas para sa mga magsasakang apektado ng army worm.

Kabilang sa mga magsasakang apektado sa lungsod ng San Jose ay si tatay Artemio, limapu’t tatlong taong gulang na at kasalukuyang  magsisibuyas  sa limang ektaryang lumang pinagtataniman ng mga sibuyas. Kwento ni tatay, ang pinakamalaking problema nila ngayon ay ang pamemeste sa kanilang pananim.

Aminado si tatay artemio na malungkot silang mga magsisibuyas sa nangyaring pamemeste sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni tatay Artemio, pinilit lang nilang anihin ang mga pananim, makabawi lamang aniya sa gastos na kanilang ipinuhunan.

Daing  naman ni Henry Castillo na sana ay makabawi na  lamang sa halagang  daang libong pisong  ginastos o pinuhunan nila sa pagtatanim na ipinangutang lamang  umano nila.

Dagdag pa niya, nagmistulang inagaw na lamang nila sa mga uod ang mga tanim para mapakinabangan ito.

Samantala nagpaabot naman ng mensahe ang dalawa na matugunan at mabigyang atensyon ang mga pangaingailangan ng magsasaka katulad na lamang ng ayuda na mangagaling sa gobyerno lalo na sa mga ganitong sitwasyon.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *