Mahigit 200 Job Seekers, sinugod ang 1-day Job Fair ng Pamahalaang Panlalawigan

Dalawa lamang sina Ronel Alcantara At  Jose Rafael Diamse sa mga Novo Ecijanong nagbakasaling makakuha ng trabaho abroad sa ginanap na isang araw na job fair ng Philippine Assist Life Manpower Corporation  (PAMC) katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng  Pamahalaang Panlalawigan noong Byernes, Nobyembre 23, 2018.

Kuwento ni Ronel Alcantara, 28 taong gulang na tubong Gabaldon, dumadayo pa aniya  siya sa  Benguet upang doon magtrabaho bilang hardinero upang may pangtustos sa pag-aaral ng dalawang anak kaya naman sa sapat na kinikita para sa pamilya ay agad siyang umuwi ng mabalitaan na mayroong alok na trabaho-abroad sa kanyang bayan.

Ibinahagi naman sa amin ni Jose Rafael V. Diamse, 24 taong gulang mula san San Jose, bunso sa apat na magkakapatid at farmer graduate ng CLSU  noong nakaraang taon. Dala aniya ng kahirapan ay minarapat niyang mag-apply abroad para masuportahan ang mga magulang na nagme-maintenance naman ng gamot sa sakit na diabetes.

Ang Jobs Fair na ito ay para sa mga Novo Ecijanong nagnanais magtrabaho partikular sa  bansang Japan.  Nangangailangan ng welder, production operator, machine operator, construction worker, carpentry helper, vegetable grower, farm worker, agriculture livestock na laan sa mga kalalakihan na may edad na 20 hanggang 28 years old at production operator, vegetable grower at farm worker para naman sa mga kababaihan na may edad na 20-26.

Sa aming panayam kay Luisa Pangilinan, Manager ng Public Employment  Service Office (PESO), sinabi nito na palagian  ang kanilang paghahanap ng ahensya na makatutulong ng malaki sa mga Novo Ecijano sa paghahanap ng magandang trabaho.

Ipinaliwanag naman nito na madalas ang PAMC ang kanilang partner agency na naghahain ng mga trabaho sa mga Novo Ecijano na tiyak na maasahang ahensya pagdating sa seguridad at kaligtasan ng mga nasasakupan.

Ibinahagi pa niya ang kanilang paghahanda kapag may mga ganitong pagkakataon katulad ng applicant profiling, mga pinagdaanang trainings ng mga aplikante, pagsasailalim sa  Language Skills Institute (LSI) and communication offices maging walk-in clients para mabigyang pagkakataon  makapagtrabaho ang mga kababayan.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *