Mahigit 20,000 Novo Ecijano, nakiisa sa pinakamalaking Castaway Music Festival ng taon

Nakiisa sa pinakamalaking Castaway Music Festival ng taon ang mahigit dalawampung libong Novo Ecijano OPM lovers na ginanap sa SM City Cabanatuan noong Sabado, April 13.

Napuno ng saya at hiyawan ang parking area ng SM City Cabanatuan nang isa-isang nag-perform ang mga sikat na bandang Rocksteddy, Pupil, Silent Sanctuary at ang rapper na si Gloc 9.

Sa mensahe ng Regional Operations Manager for North Luzon II of SM Super Malls na si Ian Ezekiel Balao, sinabi nito na ang naturang Music Festival ay handog nila sa mga masugid na mamimili ng naturang mall.

Aniya, ito na ang ikatlong taon na nagsawa ang SM City Cabanatuan ng malaking summer music festival habang apat na taon naman ng ginagawa ng buong North Luzon Super Malls ang naturang festival.

Ikinatuwa ng Rocksteddy ang sigla ng crowd, anila kayang kayang sumabay ng mga Novo Ecijano sa mga nagpeperform.

Para naman kay Gloc 9, nagpapasalamat siya sa lahat ng Novo Ecijano na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga musika. Sabay hiling nito na wag sana silang magsawa upang maipagpatuloy pa ang kanilang narating sa larangan ng musika.

Nagpapasalamat naman si Melisa Nueda sa SM City Cabanatuan dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na mapanood ang mga kanilang mga paboritong banda.

Pinuri naman ni Jam ang management, dahil lahat umano ng event na ginagawa ng mall ay maganda at pasado sa kanilang mga shoppers.

Samantala, kasabay din ng summer music festival ay nagpamigay ang Samsung ng isang bagong cellphone.

Suwerte itong naiuwi ng isang disi otso anyos na binatilyo na si CJ, matapos na manalo sa palarong Switch It Up Challenge ng Samsung. -Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *