Mahigit 700, mag-aaral ng ELJ Memorial College, Tumanggap ng stipend o tulong pinansyal mula sa kapitolyo

Binisita ni Governor Aurelio Umali ang mga mag-aaral na scholars ng ELJ Memorial College sa lungsod ng Palayan noong March 2, 2020.

Personal nitong ipinagkaloob ang stipend o tulong pinansyal sa mga mag-aaral na nagsusumikap sa pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay.

Tinatayang nasa mahigit pitong daang estudyante ang nakatanggap ng cash allowance mula sa pamahalaang panlalawigan bilang tulong sa kanilang pag-aaral at sa mga karagdagang gastusin sa araw-araw.

Isa ang Bachelor of Secondary Education second year student na si Alvin Cunanan, nakatira sa General Natividad na  nakatanggap ng pera. Malaking tulong aniya ito sa kaniya bilang estudyante na hindi rin sapat ang pinagkukunan ng pinansyal.

Nais namang mas palawakin pa ng gobernador ang paghahatid ng tulong sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng Micro Layer sa dalawampong estudyante na unang mapipili na pagkalooban nito.

Bukod pa rito, nais rin nyang agarang matapos ang ginagawang gymnasium na maaring magamit ng ELJ na pag-gaganapan ng kanilang mga programa at aktibidad.

Pinasalamatan naman ito ng officer in charge ng ELJ Memorial College na si Ginang Mariel Cruz, dahil malaking tulong ang mga ito sa mga estudyante at kanilang eskwelahan.ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Mahigit 700, mag-aaral ng ELJ Memorial College, Tumanggap ng stipend o tulong pinansyal mula sa kapitolyo


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *