Mahigit 9,000 regalo, ipinamahagi sa bayan ng San Antonio

Pagputok ng sikat ng araw noong biyernes, September 28, 2018 ay muling sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ang pamamahagi ng munting regalo.

Sa araw na ito, ang bayan ng San Antonio ang maswerteng nakatanggap ng maagang pamasko.

Mahigit siyam na libong pirasong gift packs ang ipinamahagi sa apat na barangay ng naturang bayan. Ito ay kinabibilangan ng brgy. panabingan na may 1,000 benepisyaryo; 950 sa brgy cama juan; 2,480 sa brgy sta barbara; at 5,000 sa brgy san francisco.

Ang gift giving program ay limang taon ng umiikot sa lalawigan na sinimulan ni dating Gov. Aurelio “Oyie” Umali at sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy ni Gov. Czarina “Cherry” Umali hindi lamang upang maghatid ng kasiyahan sa mga mamamayan kundi ay personal din na makausap ang mga kalalawigan sa kanilang mga kahilingan.

Inilahad ng Ina ng Lalawigan ang mga proyekto na dapat asahan ng mga tiga San Antonio.

Kagaya na lamang ng dagdag ng 50 bed capacity sa San Antonio District Hospital at patuloy na pagtatayo ng mga barangay hall at gym.

Hangad naman ni Doc Anthony Umali at ng Provincial Government na matulungan sa problema sa paningin ang mga Senior Citizen.

Pasasalamat naman ang tugon ni Mayor Arvin Salonga, dahil palaging naaalala ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanilang bayan. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *