Mahigit dalawampong reformists ng AKO ANG SAKLAY, nagtapos

Nagtapos ang mahigit dalawampung Repormists mula sa ika-13th batch resident ng AKO ANG SAKLAY INC. matapos ang apatnapu’t limang araw na pagsasanay.

Naging saksi sa moving-up ceremony ang pangalawang punong lalawigan na si Vice Governor Anthony Umali gayundin si San Antonio Vice Mayor Julie Maxwell.

Kabilang  naman ang mga reformists na sina Aries Erwin Sebastian, Felipe Verdadero at John Alexander Villaroman sa mga nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa kanilang mga pinagdaanan sa buhay at kung paano sila binago ng AKO ANG SAKLAY INC.

Naging gabay ng mga reformists sa kanilang mga naging programa ang Provincial Anti-drug Council, Kamay ka-agapay, NEPPO , Claretian Missionaries Philippine Province, Dangerous drug board, DOH, Department Of Trade and Industry, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Social Welfare and Development, Kabuteng Barrio kasama rin ang mga kapulisan sa bayan ng San Antonio.

Ilan sa mga aktibidad at pagsasanay na pinagdaanan ng mga reformists sa loob ng apatnapu’t limang araw ay ang pagtatanim ng gulay, pag-aalaga ng hayop, paglilinis at kasama nadin ang daily routines sa paghahanda ng pagkain, pagdarasal, at exercise paggising sa umaga.

Binibigyan din sila ng pagkakataong makauwi sa kanilang mga tahanan ng limang araw sa ilalim ng kanilang Weekly After Care at babalik din sa loob para sa kanilang monitoring.

Ito ay isa lamang sa programa ng mga reformists sa AKO ANG SAKLAY upang matutunan nila ang disiplina na kanilang mai-aapply o magagamit sa pagbabagong buhay.

Matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa ako ang saklay ay nagkaroon naman sila ng isang Ritual Ceremony kasama ng kani-kanilang mga pamilya at mga kapulisan sa kanilang bayan. ulat ni Myrrh Guevarra

Watch – Mahigit dalawampong reformists ng AKO ANG SAKLAY, nagtapos


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *