Mahigit sampung libong mga guro sa Lalawigan, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-114TH Founding Anniversary ng DepEd Nueva Ecija

Sa kabila ng init dulot ng matinding sikat ng araw, sama-sama pa ring nakiisa ang mahigit sa sampung libong mga guro, ng mga pampublikong paaralan sa Elementarya at Sekondarya ng Lalawigan, para sa selebrasyon ng ika-114th Founding Anniversary ng Department of Education Nueva Ecija.

Dumalo din sa naturang programa na may temang “Crossing New Frontier, Creating Endless Possibilities”, sina Governor Aurelio Matias Umali, na nagbahagi ng mahahalagang pananalita, at Senator Teofisto Guingona III, na nagsilbing panauhing pandangal.

Ayon kay Senator Guingona, tatlong prinsipyo ang kanyang natutunan mula sa kanyang mga naging guro, na nakatulong upang malinang pa ang kanyang kaalaman, na nagamit din niya sa kanyang panunungkulan sa bayan bilang mabuting Senador.

Mga gurong dumalo sa pagdiriwang ng ika 114th Founding Anniversary ng Department of Education Nueva Ecija.
Mga gurong dumalo sa pagdiriwang ng ika-114th Founding Anniversary ng Department of Education Nueva Ecija.

Aniya bilang pulitiko hindi ka lamang dapat magaling magsalita sa harap ng mga tao, kundi marunong ding makinig sa hinaing ng taong bayan; pangalawa, ay ang paninindigan sa bawat aksyon at desisyon sa buhay; pangatlo, ay ang pagpapahalaga sa oras upang magawa ang mga nararapat na gawin sa itinakdang panahon.

Samantala, pinasalamatan naman ni Governor Oyie Umali ang mga guro na nagsilbi aniyang lakas ng lipunan, dahil sa walang sawang pagbabahagi at pagbibigay ng karunungan sa mga kabataang nangangarap sa buhay.

Pagpapalipad ng mga lobo na sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga guro sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija.
Pagpapalipad ng mga lobo na sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga guro sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija.

Bago matapos ang programa ay sama-samang nagpalipad ng mga lobo ang mga guro, na sumisimbolo sa pagkakaisa ng bawat distrito para sa mas malalim na paglilingkod at pagpapahalaga sa Ahensya ng DepEd.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *