MAKABAGONG PARAAN NG PAGDEVELOP AT PAGGAWA NG WEBSITES AT APPLICATIONS ITINURO NG GOOGLE I/O SA MGA IT STUDENT NG NEUST

Mas napalawig ang kaalaman ng mga (IT) Information Technology students ng (NEUST) Nueva Ecija University of Science and Technology para sa pagdevelop at paggawa ng mga modern websites at applications sa ginanap na “Google I/O 2015 Extend Nueva Ecija” sa NEUST Campus sa Sumacab, Cabanatuan City, kahapon.

 

Ayon sa Dean ng Department ng IT na si Lourdes Soro, taun-taon nilang isinasagawa ang ganitong klase ng seminar para sa mga graduating students ng IT, na bukod sa bahagi ito ng curriculum ay naglalayon ding maihanda ang mga ito sa pag-alis nila ng unibersidad at humarap na sa tunay na mundo ng teknolohiya.

 

Samantala sinabi naman ng co-organizer ng google I/O at teacher ng IT na si Ramonito Vega, na nais nilang mas makilala at malaman ng mga estudyante ang mga bagong pamamaraan ng paggawa ng mga websites at ilan pang applications na maaaring magamit sa mga gadgets gaya na lamang ng smartphone.

 

Dagdag pa ni Vega na hangad nila na maging updated ang mga estudyante sa kung ano nga ba ang mayroon sa makabagong panahon ngayon nang sa gayon ay hindi na mabigla ang mga ito at hindi mahuli sa new technologies.

 

Mahigit 400 IT students ang  matiyagang nakinig sa mga IT Experts and Web Developers na mula sa ilang malalaking kompanya sa Baguio City at Metro Manila. ulat ni MARY JOY PEREZ

[youtube=http://youtu.be/ok41f59o2gc]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *