Mall goers at employees, nakiisa sa earthquake drill ng SM City Cabanatuan

Nakiisa ang mga Mall goers at Employees sa isinagawang earthquake drill ng SM City Cabanatuan.

Sa ganap na ala una trenta ng hapon, sabay-sabay na nag cover and hold ang mga mall goers at empleyado para sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng SM City Cabanatuan, June 20, 2019.

May mga inilagay din na mga signages sa front entrance ang pamunuan ng naturang SM para ipaalam ang impormasyon sa mga customers ang pampublikong anunsyo tungkol sa drill na kanilang isinagawa.

Ayon sa Assisstant Mall Manager ng SM City Cabanatuan na si Joanne Bondoc , layon ng earthquake drill na ito ay para matulungan at maturuan ng maayos ang mga employees, tenants at iba pang mga affiliates maging ang mga mamimili.

Pahayag naman ni City Fire Major Yalung na kaya nagsasagawa ng earthquake drill ay upang maevaluate at mapaghandaan ng mga mall goers at empleyado kung sakaling magkaroon ng lindol.

Kaya naman patuloy na nakikiisa ang SM City Cabanatuan sa Pangkabuuan na earthquake drill para mas mapaigting pa ang kahandaan ng mga Novo Ecijano sa sandaling may magaganap na lindol sa lalawigan.Joice Vigilia/Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *