Mamamayan ng Gen. Tinio, sinariwa ang mga alaala ni Mayor Ferdinand Bote

Sa panayam ng Tv48 kay Lola Elissa Antalan, Kaanak ng namayapang Alkalde, inalala nito kung gaano kabuting haligi ng kanilang bayan  si Mayor Ferdinand Bote.

Lungkot at pangungulila naman ang naramdaman ng iba pang mamamayan katulad ng Brgy Tanod na si Lazardo Fajardo at ang Chairman ng Concern Resposible Idealistic People Society  na si Jacob Rivera  sa pagpanaw ni Mayor Bote. 

Nagpaabot naman ng mensahe ng pakikiramay

ang Ina ng Lalawigan, Governor Czarina Cherry Domingo-Umali at Atty. Oyie Matias Umali sa naulilang pamilya ng pinaslang na Alkalde.

Matatandaang Pinagbabaril ang Punong Bayan ng riding in tandem habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner sa tapat ng NIA UPRIIS Maharlika Hi-way, Cabanatuan City noong  July 3, 2018 sa ganap na alas singko ng hapon.

 Isinugod pa ito sa katapat na M.V. Gallego Cabanatuan General Hospital ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Si Mayor Ferdinand Bote ay lumaki sa Brgy. 7, Poblacion West. Tubong Gen. Tinio,  Nanilbihan ng tatlong taon bilang Vice Mayor ng bayan,  naging board member ng Vice Mayors’ League sa ilalim ng kanyang termino noong 2010 hanggang 2016. Naging aktibo at kilalang miyembro ng PDP-LABAN Nueva Ecija, singkwenta’y siete anyos at magdadalawang taon na ngayon sa serbisyo.

Nakatakdang ilibing ngayong araw ang Alkalde Hulyo 10, 2018 sa Gen. Tinio public cemetery sa ganap na alas otso ng umaga-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *