Man of the WORLD pre pageant 2018 ginanap sa Bayan ng Pantabangan

Sa ginanap na Resort and Swimwear Competition sa Highland Bali Villas Resort and Spa noong July 10 ay Dalawampu’t pitong kandidato mula sa iba’t ibang bansa ang nagpakisigan sa pagrampa, na binihisan ng Novo Ecijanong fashion designer na si John Robert ‘Erjohn’ dela Serna.

Unang itinanghal si Mr. Egypt Ahmed Madkour bilang Bronze Medalist, Mr. Korea Gilhwan Kim bilang silver medalist at nasungkit naman ni Mr. Czech Republic Ondrej Valenta ang gintong medalya sa Resorts wear competition.

Sa Swimwear competition si Mr. Cameroon Nick Kevin Parker Biapa naman ang itinanghal bilang bronze medalist, silver medalist naman si Mr. Vietnam at naiuwi ni Mr. Mongolia ang titulo bilang gold medalist.

Bukod pa sa titulong nakuha ni Mr. Vietnam na si Cao Xuan Tai ay  ay ginawaran pa ito ng special award bilang Mr. Pervil Cosmetics Philippines.

Ang MAN of the WORLD pageant 2018 ay may temang ‘Masculinity with Responsibility’ na may adbokasiya sa pagpapalakas sa sektor ng kabataan.

Ang mga bansang  kalahok  sa naturang kumpetisyon ay  bansang Brazil, Africa, China, Czech Republic, Cameroon,  Ethiopia, Egypt, Ecuador, Guam, India, Indonesia, Iran, Italy, Korea, Malaysia, Malta, Mongolia, Myanmar, Nepal, Nigeria, Palestine, Peru, Puerto Rico, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Vietnam at Philippines.

Magkakaroon ng Charity gala night ang male candidates sa July 12, July 14  naman ang finals night na  gaganapin sa FilOil Flying V Centre, San Juan, Metro Manila sa ganap na alas syete ng gabi.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *