Margarett Mauricio, wagi sa Mutya ng Gen. Natividad 2018

Labing anim na kandidata ang naglaban laban sa taunang patimpalak sa Bayan ng Gen. Mamerto Natividad. Ang Mutya ng Gen. Natividad 2018!

Pasok kaagad  sa Top 5 sina candidate # 1, #7, #8, #12 at #16. Itinanghal na 4th runner-up ang 18 year old na dilag na pambato ng Brgy. kabulihan na si Erika Villena at ang napanalunan nito ay nagkakahalaga ng P10,000. 3rd runner-up naman si #8  na si Revy Salas na nag-uwi din ng  P12,000, .2nd runner-up si #12 na 19 yr old na si Ethel Rivera na nakatanggap din ng P15, 000.  Nasungkit naman ni #1 Arianne Salvador ng Brgy. Poblacion, ang titulo bilang first runner-up at nakatanggap ng halagang P20,000.

At naiuwi naman ng 16 year old na si Margarette Anne Garcia Mauricio ang korona bilang Mutya ng Gen. Natividad 2018!

Samantala bago pa itinanghal ang limang kandidata na pasok sa Top 5 ay ibinigay din ang mga major awards and special prizes na halagang dalawang libo.   Kauna unahang nasungkit ni candidate #7 ang Ms. Photogenic award. Candidate #8 ang Best in Production. Candidate #11 naman ang itinanghal na Best in Long Gown.Hakot-award naman si  candidate #16 mula sa Best in Swim Wear award, Best in Make-up Artist and  Darling of the crowd

Kaugnay nito, ginawaran din ng mga special awards sina Candidate # 1 bilang Miss Milestone Aggregates. Candidate #4 bilang Miss Flawless. People’s Choice Award naman ang nasungkit ni candidate #15. Miss Beautederm Ambassador at Miss fabulous naman si candidate #9.Miss Extreme  Island Petshop naman ang nakuha ni candidate #12.

Inalayan at pinakilig  naman ng Kapuso celebrity na si  Dion Ignacio ang madla ng kanyang inawit ang ‘Beautiful in my eyes’ bilang nakaugaliang harana sa mga kandidata.

Ang mga kandidatang kalahok  na pasok sa Top 10 ay sina: Candidate # 11, #16, #8, #9, #7, #12, #15, #10, #14, #1.

Nakatanggap naman ng halagang P8, 000 ang bawat kandidatang kalahok bilang consolation prizes.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *