Marijuana, mabuti para sa mga maysakit – Sec. Panelo

Manila, Philippines – “That’s good for those who are sick.”

  Ito ang tugon ng Malakanyang matapos makalusot  sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang gawing legal ang paggamit ng medical marijuana.

  Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, palagi aniyang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suportado niya ang marijuana bilang healing mechanism o medisina.

  Wala namang nakikitang dahilan ang Malakanyang para lumiham pa ang Pangulo sa senado para kaagad na ipasa ang Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

  Nauan rito, sa botong 163 na Yes, 5 na No at 3 na abstention inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

Read more at https://remate.ph/2019/01/31/marijuana-mabuti-para-sa-mga-maysakit-sec-panelo/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *