Matiyaga at mapagkumbaba, dapat na katangian ng isang empleyado – VM Umali

Patience and humility, ito ang mensahe ni Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali sa pagsilbi ng tanggapan ng Sanggunang Panlungsod bilang host ng Flag Raising Ceremony sa City Hall noong lunes, April 30, 2018.

Aniya, ang pagiging matiyaga at mapagkumbaba ang dapat na inuugali ng bawat empleyado ng gobyerno sa pagsisilbi sa taong bayan.

Sa pahayag naman ni Mayor Jay Vergara, ay iniugnay niya ang naturang mensahe sa kasalukuyang sitwasyon nang pag-apruba sa kontrata ng 48 Medical Consultants.

Matapos ang pananalita ni Mayor Vergara ay agaran siyang nilapitan ni Vice Mayor Umali upang ipaliwanag ang dahilan ng pagkabinbin ng ratipikasyon ng kontrata ng Medical Consultants.

Depensa ng Bise Alkalde, hindi pa rin naibibigay ng Committte on Good Government and Public Accountability ang hinihiling na papel ng Sanggunian na naglalaman kung gaano kalawak ang libreng serbisyong ibinibigay ng mga kasangguni sa mga pasyente ng City Hospital.

Napagkasunduan kasi ng kapulungan na dapat kompletong maipasa ang mga papel bago pagtibayin ang naturang kontrata.

Hindi biro aniya ang P7.2 milyon na ginugugol na pondo ng bayan para sa anim na buwang sweldo ng mga doktor, marapat umano na naiintindihan ng Sanggunian ang serbisyo nilang ipinagkakaloob sa mamamayan dahil Cabanatueño ang makikinabang dito. –Ulat ni Danira Gabriel

https://youtu.be/7OW3ct8IMSs

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *