Mayor Arvin Salonga, nagsalita tungkol sa mga video na pinost ni Kon. Morales sa Facebook

“To see is to believe” yan ang naging sagot ni Mayor Arvin Salonga ng tanungin ng media tungkol sa mga video na pinost ni Konsehal Renan Morales at nag-trending sa social networking site na Facebook.

Si Mayor Arvin Salonga, habang nagbibigay komento kaugnay sa pamamaril sa chopper ni Konsehal Renan Morales.

Ayon pa sa alkalde, hihintayin muna nila ang pormal na statement na manggagaling sa kampo ni Konsehal Morales bago sya magbigay ng kabuuang komento sa nasabing isyu.

Sa post sa Facebook account na Renan Morales (Bespren) noong January 16, 2018, ganap na alas tres bentse otso ng hapon, makikita  ang dalawang video, una ang isang helicopter, ikalawa  si Morales na nagsasabing paalis na sakay ng chopper para magpasabog ng 30, 000 pesos na tigbibente sa mamamayan ng San Antonio  para sa bisperas ng kapistahan ni San Antonio Abad at Tambo Festival.

Facebook account ni Konsehal Morales na Renan Morales (Bespren)

 

Mga perang ipamumudmod sa bisperas ng kapistahan ng San Antonio na halagang 30,000 pesos na tigbebente

Ngunit, makalipas ang dalawang oras, nagpost muli ito ng video kung saan isinasalaysay na nito na pinagbabaril  umano ang kanyang inupahang helicopter at sugatan ang piloto  nito.

Inupahang chopper sa Lion Air na syang gagamitin sa pamumudmod sa kanyang bayan.

Sinabi pa ni Morales na hindi na makatarungan ang mga nangyayari sa kanilang bayan at dapat na mayroong managot sa nangyaring insidente.

Sa pangatlong post nito. Makalipas ang tatlong oras ay nananawagan na si Konsehal Renan sa sino mang  makapagtuturo sa bumaril sa chopper ay  makakatanggap ng halagang 50, 000 pesos mula sa  kanya at sa pamunuaan ng Lion Air.

Tiniyak naman ni Mayor Salonga na iniimbestigahan ng San Antonio Police Station sa pangunguna ni Police Superintendent Marlon Cudal ang insidenteng tinutukoy ni Konsehal Morales.

Matatandaang si Renan Morales ay nangungunang konsehal ng bayan ng San Antonio, dating kaibigan ni Mayor Arvin Salonga at itinuturong utak sa likod ng planong pagkitil sa buhay ng Alkalde noong nakaraang taon.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *