Mayor Emeng Pascual, nangako na dodoblehin ang dami ng proyekto para sa mamamayan ng Gapan sa kanyang ikalawang Termino

Ipinangako ni Mayor Emeng Pascual sa kanyang panunumpa ng katungkulan na mas hihigitan pa nya at dodoblehin ang dami ng proyektong nakalaan para sa mga mamamayan ng Gapan sa kanyang ikalawang termino.

Dinaluhan ng mga kawani ng Gapan City at mga mamamayan ang panunumpa ng katungkulan ni Mayor Emeng Pascual, 4th District Board Member Joy Pascual at mga bagong halal na opisyales na ginanap sa Gapan City hall nitong linggo.

Ayon kay Mayor Emeng sya man ay hindi pa rin sya kuntento sa kanyang mga nagawa para sa Lungsod ng Gapan at ang kanyang mithiin ay higitan pa ang kanyang nagawa sa unang termino ng kanyang panunungkulan bilang alkalde ng lungsod.

Naka linyada na rin ang iba’t ibang proyekto na bubuksan ng Gapan para sa mamamayan nito. Isa dito ay ang botika sa Gapan City Hall na magbibigay ng libreng gamot sa mga mamamayan ng Gapan.

Mayor Emeng nagpasalamat sa tiwalang muling ibinigay sa
kanya ng mamamayan ng Gapan.

Sa nakaraang eleksyon ay walang naging katunggali si Mayor Emeng Pascual bilang Mayor ng Gapan City na labis niyang ipinagpapasalamat sa mga mamamayan.- Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *