Mayor Ferdie Bote ng Gen. Natividad, patay sa ambush

Dead on arrival sa M.V. Gallego Cabanatuan General Hospital ang Punong Bayan ng General Tinio, Nueva Ecija matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek sa Maharlika Highway, barangay Imelda, Cabanatuan City.

Nagtamo ng limang tama ng hindi pa natutukoy na bala ng baril ang biktimang si Mayor Ferdinand Bote, singkwenta’y siete anyos.

Tinambangan at napatay ng mga suspek si Mayor Ferdie Bote ng Gen. Tinio paglabas ng sasakyan nito sa NIA UPRIIS sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Base sa initial report ng Police Regional Office 3, bandang alas kwatro trenta ng hapon, kahapon, July 7, 2018 habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner na may plate number AAB-2020 nang ratratin ng gun man.

Nakunan naman ng CCTV ang paglabas ng sasakyan ng alkalde sa main gate ng ng NIA UPRIIS.

Nakarekober ang SOCO ng 18 basyo ng bala ng .45 baril sa pinangyarihan ng krimen.

Makikita sa CCTV footage na papaliko na ang Fortuner sa highway nang isang lalaking nakasuot ng kulay itim ang tumutok at nagpaputok sa bintana nito.

Inimbestigahan na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan, kinaroroonan at motibo ng salarin na kaagad na tumakas patungong silangan makaraang maisagawa ang krimen.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *