MAYOR LUCIO UERA, PINANININDIGAN ANG PWESTO BILANG PUNONG BAYAN NG PANTABANGAN

Pinaninindigan ni Mayor Lucio Uera na siya pa rin ang may karapatang maupo sa pwesto bilang Punong Bayan ng Pantabangan sa kabila ng expiration kahapon ng Temporary Restraining Order na ipinagkaloob ng Court Appeals na may petsang March 24, 2015 na natanggap naman umano ng kampo ni Mayor Uera noong March 25, 2015.

Bagama’t natapos na ang 60 days effectivity ng TRO na ibinigay ng Court Appeals na pinanghahawakan ni Pantabangan Mayor Lucio Uera ay mananatili pa rin umano siya sa kanyang posisyon at hindi mapapalitan ni Vice Mayor Ruben Huerta.

Paliwanag ni Mayor Uera, pinagbabasehan niya ang liham ng Department of Interior and Local Government na may petsang April 20, 2015 na pirmado ni Regional Director Florida Dijan kung saan inaabisuhan si Vice Mayor Huerta na pansamantalang umaktong Punong Bayan ng Pantabangan, upang sundin ang resolusyon ng CA at hayaan na ang pwesto bilang alkalde kay Mayor Lucio Uera hanggang  sa maglabas na muli ng order ang korte.

Ngunit, pinabulaanan naman ito ni Uera, aniya, sinagot lang ng DILG ang katanungan ni Vice Mayor Huerta tungkol sa pagiging lawful successor bilang Mayor ng Pantabangan kung sakali at nawalan siya ng kakayahang gampanan ang kanyang tungkulin.

Kung anuman umano ang magiging desisyon ng korte ay susundin ito ni Mayor Uera ngunit sa ngayon ay siya pa rin aniya ang legal na Mayor ng Pantabangan.

Matatandaan na naglabas ng desisyon ang Ombudsman taong 2013 na nagtatanggal sa serbisyo kay Uera dahil sa mga kasong Grave Misconduct at Grave Abuse of Authority dahil sa illegal na pagtatanggal nito ng apatnapo’t apat na permanent employee ng Pamahalaang Lokal ng Pantabangan noong  2005.

Ngunit dahil naniniwala ang kampo ni Mayor Uera na nagkamali ng desisyon ang Ombudsman, 2014 ay dumulog ito sa Court of Appeals na nag-isyu ng TRO.- Ulat ni Clariza De Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *