Mayor Santos ng Gen. Natividad, nagpasalamat sa suporta ng National at Provincial Government

Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Mayor Librado Santos sa mga ahensya ng Gobyerno na nag tulong tulong upang  matayo ang ilan sa mga gusali na  magagamit ng mga mamamayan ng General Natividad sa inagurasyon ng mga  building at paislidad sa kanilang municipal compound.  Naging panauhing pandangal sina Governor Cherry Umali, Special assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go at guest of honor at Speaker  ang Common law wife at businesswoman na si Cielito “Honeylet” Salvador Avanceña.

Ang dalawang gymnasium ay mula sa pondo ng pamahalaang Panlalawigan na nagkakahalaga ng 4.5  million pesos (ang bawat isa).
Ang 3  storey  Evacuation Center  ay kaloob ng DILG sa ilalim ng Assistance to the Disadvantaged Municipalities na nagkakahalaga ng 4.24 million pesos na magagamit ng mga natividaduenos sa oras ng kalamidad kung saan kasya ang mahigit 1 libong katao.
Sa ilalim ng pondo ng Munisipalidad ng General Natividad ay naisaayos ang Simeon V. Cruz at Samuel E. Gadia Hall na nagkakahalaga ng mahigit 2 million pesos.
“ Sa pagtutulungan ng National, Provincial at Local Government, maraming proyekto ang naisasagawa” –  Governor Cherry Umali

kinilala naman ni Governor Czarina Domingo Umali ang pagkakaisa mula sa National government hanggang sa lokal na pamahalaan kaya nagkakaroon ng mga pagawain sa bawat bayan at munisipalidad.

“Pondo ng gobyerno, ibalik sa mga mamayan sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto” – Cielito “Honeylet” Salvador Avanceña

Ayon kay Avanceña maganda aniya ang mga ganiton pagawain ng munisipyo dahil ito ay umaayon sa  nais ng pangulo na ibalik sa tao ang pondo ng pamahalaan na pag aari naman talaga ng taong bayan. –Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *