Mayor Vargas, susundan ang yapak ng mga magulang sa pagseserbisyo sa Aliaga

Pormal nang nanumpa sa katungkulan si Mayor David Angelo Vargas sa harap ni Judge Angelo Perez sa Cabanatuan City Branch 27 noong June 24, 2019.

Kasamang nanumpa ni Mayor Vargas si Konsehal Susan Ramos. Dumalo sa oath taking ceremony ang pamilya at mga kaibigan ni Vargas kabilang si Mayor Arvin Salonga ng bayan ng San Antonio.

Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw sa alkalde, sinabi nito na ibabalik nya sa ilalim ng kanyang panunungkulan ang mga serbisyong sinimulan ng kanyang mga magulang sa panahon ng termino ng mga ito.

Sinaksihan ng buong pamilya ng Vargas ang panunumpa sa katungkulan ni Mayor David Angelo Vargas ng bayan ng Aliaga.

Pangunahin ang programa sa pangkalusugan, libreng edukasyon sa kolehiyo, pagpapagawa ng mga kalsada at livelihood program para sa mga kababaihan.

Si Mayor Gelo ay anak nina dating Mayor Marcial at Mayora Elizabeth Vargas na naglingkod ng mahigit dalawang dekada sa Aliaga.

Isa si Vargas sa mga pinaka batang naging alkalde sa edad na bente otso. Tinalo nito ang kasalukuyang Punong Bayan ng Aliaga na si Mayor Gonzalo Moreno.

Taong 2017 nang maupo siya bilang SK Federation President at dalawang termino naman bilang konsehal ng Sangguniang Bayan.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *